KAHALAGAHAN NG PAG-GAMIT NG WIKANG PAMBANSA UPANG MAKAMIT ANG PAMBANSANG KAUNLARAN

Alam natin na ang Pilipinas ay isa maunlad na bansa dahil sa mataas na kabuoang pambansang produkto o Gross National, at iba pang gawaing pambansa na naisagawa. Ang pambansang Kaunlaran Ay Tumutukoy sa kakayahan ng isang Bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng taong makoag-bigay ng matiwasay na pamumuhay at matiwasay na takbo ng Ekonomiya. Bago makamit ang Pambansang Kaunlaran maraming Iba't ibang sektor pang-ekonomiya ang dapat magampanan tulad ng pag-gamit ng wikang Pambansa upang makamit/maisulong tungo sa pag-unlad. 

Ang Pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa mga tao/ sa atin para makipag Komunikasyon at mabigay ang Mensahe sa Isa't isa. Ang Pagkakatoon ng wikang pambansa ay nakatuulong sa atin para magkaintindihan at magkaron ng pagkakaisa. Ang pag-gamit ng wikang pambansa ito'y may malaking tulong sa atin sa sa pag kamit ng pambansang Kaunlaran. 

Sa Patuloy na Pag-gamit ng Sariling wika sa pakikipag transaksyon sa iba't ibang sektor tulad ng Transaksyon na may kinalaman sa Ekonomiya ng bansa. Sa Pag-gamit nito tiyak na mas mapapadali ang panghihikayat ng mga mamamayan ng Pilipinas/ Mamamayang Pilipino sa kapwa Pilipino tulad nalang ng panghihikayat natin Sa ating kapwa Pilipino na makilahok, makipag talastasan at makipagbalagtasan at iba pang transaksyon na ganap sa ating bansa. 


Isa Pa bago natin simulan, pahalagahan/tangkilin at manghikayat ng tao na gamitin ng gamitin ang Sariling wika ay Kailangan rin natin itong pag-aralan at isa-puso para naman mas lalo pa nating maintindihan kung bakit napiling wikang pambansa ang FILIPINO, saan nga ba nagmula, sa pag daan ng panahon ano ang mga Dahilan Bakit mas lalong umunlad ang kariktan ng wika, ano pagkakaiba ng Filipino at iba't ibang Diyalekto sa Pilipinas. 

Kung kaya natin mag-aral o gumamit ng iba't ibang wika bakit hindi natin lawakan ang ating kaisipan na matutunan ang ating sariling wika, ang wikang filipino. Ang wika ang sumisimbolo sa ating pagkatao, kung saan tayo nangaling kung kaya't dapat na tangkilikin natin ang sariling atin.


Bilang Isang Pilipino pabor na bigyan ng mas malaking panahon at kahalagan ang Wikang pambansa/Sariling Wika, Tulad nalang ng aking sinabi sa Unahang bahagi, na sa pag-gamit nito mas magiging mabilis at maayos ang pag-unlad ng estado ng ating Lipunang Ginagalawan. Pagkaka-roon ng isang wika ay may Hudyat na kaunlaran hindi lang sa Wika 'Kundi maging sa Pambansang Kaunlaran.


Walang masama kung ilang wika pa ang gusto mong gamitin o pag-aralan dahil parte ito ng buhay. Pero sana hanggang sa huling hininga ay alam mo pa rin ang iyong pinanggalingan at ipagmalaki na ikaw ay isang matapang na Pilipino.


Hindi natin maitatanggi na ang ating sariling wika, isang katutubong wika at isang hindi banyaga ay mahalaga sa pagkakaroon ng pagkakakilanlan sa sarili o kakayahan. Ang simbolo ng isang watawat, ng isang marcha nacional, ng isang pambansang awit, ng isang pambansang bulaklak, ng isang pambansang kasuotan ay lahat makahulugan bilang mga palatandaan ng pagkakakilanlan sa sarili at kalayaan. Ngunit ang mga ito ay mga palatandaan lamang - isang simbolo. Mayroong pangangailangan para sa pagbibigay kahulugan sa mga gumagamit ng mga simbolo. At higit sa lahat, mas pinahahalagahan namin ang kahulugan kaysa sa simbolo. Ang simbolo ay simbolo lamang - hindi makabuluhan kung ang mga gumagamit ng mga simbolo ay hindi nagtataglay ng damdamin. At ang mga palatandaan ay maaaring mapalitan; maaari silang mabago kung kinakailangan. Sa papel na ito, ang kaso ng ating mga karatig bansa sa Timog-Silangang Asya tulad ng Indonesia at Singapore ay inihambing para sa kaso ng Pilipinas, sapagkat ang dalawang bansang ito ay nagbibigay sa atin ng ibang larawan sa muling pagbisita sa wika bilang isang mahalagang bahagi ng pagbuo ng ating pagkatao.



Group 9 STEM 11-Y1-6
Charina sulit 
Christine grace siguenza
Decie ann san andres
Dm christian sarmiento 
Niel sutrina